Friday, September 6, 2013

JANET LIM NAPOLES : PORK BARREL SCAM


Photo of Philippine National Police (PNP)

     Isa sa usap usapang at kinaiinisan ng taong bayan sa ngayon ay si Janet Lim Napoles hinggil sa multi-billion poek barrel scam mula sa Priority Development Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng sampung bilyong piso. Si Napoles umano ang utak ng nasabing multi-billion scam na kung saan sangkot ang ilang Non-Government Organization (NGO) at ilang mambabatas na nagkakahalaga ng sampung milyon at siyam na raang libong piso mula sa Malampaya Fund na sangkot naman ang ilang mayor at congressmen.  
     Ang pork barrel scam ay siniwalat ni Benhur Luy na kung saan sangkot ang limang senador at dalawamput tatlong congressmen sa pagpopondo sa mga kahinahinalang proyekto mula sa kani kanilang Priority Development Fund o PDAF. Ika-16 ng Hulyo nag-utos si Ombudsman Conchita Carpio Morales na bumuo ng panel para magimbestiga sa mga pondong kahinahinala mula sa PDAF. Ika-14 ng Agosto ang hukuman ng Makati ay naglabas ng pahintulot na arestohin si Janet Lim Napoles at kanyang kapatid na si Renaldo “Jojo” Lim hinggil sa pork barrel scam na siniwalat ni Benhur Luy. Ang Department of Justice ay nakahanap ng ebidensya uopang huliin si Napoles at ang kanyang kapatid sa salang illegal detention.

     Dahil sa bilyong bilyong halaga ang nawawa sa kaban  ng bayan nagtipon ang libo libo nating kababayan saan mang panig ng bansa at maging ilan sa mga Filipino community sa karatig bansa. Ang nasabing protesta ay nabuo sa pamamagitan ng social media site na Facebook. Pinangunahan ito nina Arnold Pedrigal, Peachy Brenata at Bernardo Bernardo na gumawa ng Facebook event upang  tipunin ang mga netizel na gustong alisin o buwagin ang pork barrel na gaganapin sa Luneta (Rizal Park), Agosto 26. Tatlong araw bago ang nasabing pagtitipon pinahayag ng Pangulo na bubuwagin ang pork barrel o PDAF ngunit sa parehong pahayag nilinaw ng Pangulo na hindi bubuwagin ang pork barrek ngunit magkakaroon ng reporma. Ang nasabing protesta ay walang organizer ngunit  matagumpay na ginanap at dinaluan ng napakaraming Pilipino.

     Matapos ang dalawang linggong pagtatago at pagtakas ni Janet Lim Napoles sa batas tuluyan na itong sumuko sa Pangulo, Agusto 28 alas nuwebe trentay siyete ng gabi. Tuluyan din sumuko ang kapatid nitong si Reynal Lim ayon kay Kapunan sa kanyang panayam sa dzMM.
     Mula sa Malacañan, pinagunahan ni Presidente Aquino ang convoy na maghahatid kay Napoles patungong Camp Crame   katulong ang tauhan ng pulisya ng Quezon City. Si Napoles ay ipinagkatiwala ng Pangulo kay DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas at kay PNP Director-General Alan Purisima. Ang kininilalang utak sa ilalim ng multi-billion scam ay kinulong sa Camp Crame , kung saan siya at ang kanyang asawang si former Marine Major Jimmy Lim ay nanatili magdamag. Huwebes ng gabi si Napoles ay nilipat sa Makati City Jail, na kung saan sinamahan sya ng kanyang asawa.
Marami sa ating mga kababayan ang naghihinalang binibigyan umano si Napoles ng VIP treatment, ngunit nilinaw ng Pangulo na hindi nila ito binibigyan ng VIP treatment bagkus siya ay pinoprotektahan mula sa mga nagtatangkang pumatay. Sa kasalukuyan si Napoles ay nasa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna mula sa pahayag ni DILG Secretary Mar Roxas ngunit tinangging sabihin kung bakit.


FEATURE STORY
  

  

No comments:

Post a Comment