Friday, September 6, 2013

IKATLONG ARAW NG UNTV CUP MATAGUMPAY NA NAIDAOS

        Ikatlong araw ng UNTV Cup idinaos sa Ynares Arena ika-15 ng Agosto. Ito ay nilahukan ng mga lingkod ng bayanat ilang kilalang celebrities sa nangunguna ni Kuya Daniel Razon. Ang programa ay naglalayon na makatulong sa mga nangangailanagan at makahikayat na gumawa ng mabuti sa kapwa.
            Unang sumabak sa laban ang kupunan ng PhilHealth at kupunan ng Congress LGU. Ang ilan sa kasama ng PhilHealth ay kilalang celebrities, gaya na lamang nina Kier Legaspi at Zoren Legaspe na tinaguriang Legaspi Brothers. Sa kabilang kupunan naman kabilang sina Francis Zamora, at ang kanilang “schoring machine” na kapwa celebrity player na si Ervic Vijandre. Nahirapang humabol ang kupunan ng Congress LGU ngunit pagdating ni Ervic, pinilit nitong humabol sa kupunan ng PhilHealth ngunit hindi na kinaya habulin. Nagwagi ang PhilHealth sa puntos na 73-98.
            Sinundan ng mainit na laban mula sa  kupunan ng DOJ o Department of Justice at kupunan ng Judiciary. Ilan sa miyembro ng DOJ ay sina Eric Fractooso at Jao Mapa na kapwa celebrity player samantala sa kabilang kupunan kabilang si John Hall na guest celebrity player. Nagging mainit ang laban ngunit sa malaking diperensya ng puntos ay hindi na nakahabol ang kupunan ng DOJ na nagging dahilan ng pagkapanalo ng Judiciary: 60-130.
            Isang kapanapanabik na laro ang hinihintay ng manonood mula sa Philippine National Police (PNP) at Air Force of the Philippines (AFP). Pawing mahusay ang dalawang kupunan at naging mainit angf laban. Napuno ng hiyawan ang buong Arena sa paglalaro ng dalawa. Higit na matindi ang nagging laban ng dalawang kupunan kumpara sa laban ng dalawang nauna pagkat sa kanilang nagging laban ang AFP at PNP ang higit na dikit ang laban. Nagtapos ang laban sa puntos na 69-72 at itinanghal na panalo ang kupunan ng PNP.
            Naging matagumpay ang ikatlong araw ng UNTV Cup, masayang umuwi ang bawat kupunan bagamat talo hindi maipipinta sa mukha ng mga manlalaro ang kanilang pagiging masaya. Ang bawat kupunan ay nagpapakahirap manalo para sa kanilang napiuling Charity Institution.

FACT STORY  

No comments:

Post a Comment