ISKOLAR
Pera ba ang iyong
problema kaya hindi ka makapasok sa kolehiyo?
Marami sa mga nagtapos
at magtatapos ng sekondarya ngayon ang hirap pumasok sa Unibersidan o kahit
anong paaralang sa kolehiyo. Masasabi nating mahirap ngang pumasok sa kolehiyo sa
panahon ngayon sapagkat kung wala ka kang pera ay hindi ka makakatungtong ng
kolehiyo. Nariyan ang gastusin sa tuition fee, miscellaneous fee, uniform at
marami pang iba. Pera ang susi sa
pag-aaral ika nga nila ngunit naisip ba ng ilan sa atin na hindi dahilan ang
pera para tayo ay tumigil ng pag-aaral?
Saksi ako sa hirap ng
pagpasok sa isang Unibersidad at isang Institution na kung saan naging dahilan
ng isang pagtigil ko sa pag-aaral. Sa panahon ngayon kung gusto mong makatapos
bukod sa pera ay dapat may taglay kang talino. Ngunit pano kung isa ka sa mga
kagaya ko na hindi gaano nabiyayaan ng talino? Hihinto ka na lang ba at hindi
mo na ipagpapatuloy ang iyong pag-aaral? Pano na lamang ang iyong pangarap?
Edukasyon ang
makakatulong upang tayo ay umunlad. Isa sa mga sulution para makapasok sa
kolehiyo ay ang paghahanap ng Unibersida at Institustion na nagbibigay ng
scholarship. Sa panahon natin ngayon ay marami ng Institution at Organisasyon
ang umusbong upang tumulong sa mga kagaya kong mahirap. Ou solution nga ito
ngunit sa sobrang hirap maging iskolar hindi magtatagal at mawawala ka sa
Institusyon bilang isang iskolar sapagkat hindi mo napanatili ng gradong dapat mong
panatilihin. Kayat masarap mag-aaral kung isa kang matalino.
Sa
buong Pilipinas isa ako sa mga mapapalad na mag-aaral sapagkat nakahanap ako ng
isang magandang Institution na kung saan wala akong tuition fee, miscellaneous
fee, libreng ang uniform sa makatuwid isa iskolar. Sa buong Pilipinas nag-iisa ang
La Verdad Christian College sapagkat bukod sa pagbibigay nila ng full scholarship
sa lahat ng kanilang mag-aaral libre pa ang tanghalian ng bawat estudyante,
bukod dito meron din ang La Verdad ng magagandang pasilidad na maaring gamitin
ng bawat mag-aaral.
Itinatag ang La Verdad
upang makatong sa mga mag-aaral na kagaya ko. Ang utak ng pagpapatayo sa
institusyong ito ay sina Bro Eli Soriano at Bro Daniel Razon, na naglayon itaguyod
makapagtapos sa kolehiyo ang bawat iskolar nito.
Bilang isang iskolar
nararapat lamang na panatilihing mataas ang grado, magsipag at matiyaga upang
manatili sa prebilehyo ng pagiging scholar. Sa kasalukuyan nasa ikalawang taon
na ako ng pagiging scholar at marami na akong naranasang hirap at kung minsan
pinanghihinaan na ng loob ngunit ito nanatili pa din at matibay. Isang pasasalamat
ko sa Panginoon sapagkat isa ako sa nakapasok sa napakagandang Institusion gaya ng LA Verdad.
FEATURE
STORY
No comments:
Post a Comment