Tuesday, October 1, 2013

CLICK AND WALK
             Taking photos at every edge of the street, capturing the beauty of street photography. A very wearied day but we’ve gain a very memorable and joyful experience together with my Mass Communication Tech (MCT-2B) family.
            Different face, different people with different emotion you can see on the street is our goal. Within Intramuros to Baywalk you can take different faces, building and candid photos. Every person has different eye perspective but all of us have a freedom to see the beuty of the world. Our photo walk is leaded by the photography instructor, Mr. Dominic Meily together with his co-photoville members. Photoville is an international photography organization and it was lead by the presiding President Mr. Dominic Meily.
            Arriving early at the meeting place with excitement has experience of every student went to the photo walk. The whole MCT- 2B were group and every group consist of five to eight members. Every group is guided by a team leader came from photoville, our group team leader is Mr. Rodel Lumiares. We were lucky because our team leader were very polite and very patiently teach us to take a good shot during photo walk. Our group were composed of six, Nathan, Daisy, Iralyn, Grezel and I. our group had a team work to take a wonderful shot, our goal is to take a beautiful shot. During photo walk it was hard to take a good shot because we are only using one DSLR and besides our point and shot cameras automatically shot down before launch.
            It was my first time here at Intramuros, I was amaze to the beautiful scenery and ambiance, and I found it good. I’ve saw a lot of school on Intramuros but for me La Verdad is most good school at all. Moving forward to the streets of Intramuros taking photo eventually we saw a Canadian family. The Canadian family were in love to the Philippines we can hide that “it’s more fun in the Philippines”. The Canadian family were very polite and amaze to the beauty of the Philippines.
            The photo walk was organized in order all of us would able to experience take photos in accordance to our basic photography subject with Sir. Dominic and this serve us out output.   
     


Friday, September 6, 2013

ISKOLAR

Pera ba ang iyong problema kaya hindi ka makapasok sa kolehiyo?
       Marami sa mga nagtapos at magtatapos ng sekondarya ngayon ang hirap pumasok sa Unibersidan o kahit anong paaralang sa kolehiyo. Masasabi nating mahirap ngang pumasok sa kolehiyo sa panahon ngayon sapagkat kung wala ka kang pera ay hindi ka makakatungtong ng kolehiyo. Nariyan ang gastusin sa tuition fee, miscellaneous fee, uniform at marami pang iba.  Pera ang susi sa pag-aaral ika nga nila ngunit naisip ba ng ilan sa atin na hindi dahilan ang pera para tayo ay tumigil ng pag-aaral?
      Saksi ako sa hirap ng pagpasok sa isang Unibersidad at isang Institution na kung saan naging dahilan ng isang pagtigil ko sa pag-aaral. Sa panahon ngayon kung gusto mong makatapos bukod sa pera ay dapat may taglay kang talino. Ngunit pano kung isa ka sa mga kagaya ko na hindi gaano nabiyayaan ng talino? Hihinto ka na lang ba at hindi mo na ipagpapatuloy ang iyong pag-aaral? Pano na lamang ang iyong pangarap?
       Edukasyon ang makakatulong upang tayo ay umunlad. Isa sa mga sulution para makapasok sa kolehiyo ay ang paghahanap ng Unibersida at Institustion na nagbibigay ng scholarship. Sa panahon natin ngayon ay marami ng Institution at Organisasyon ang umusbong upang tumulong sa mga kagaya kong mahirap. Ou solution nga ito ngunit sa sobrang hirap maging iskolar hindi magtatagal at mawawala ka sa Institusyon bilang isang iskolar sapagkat hindi mo napanatili ng gradong dapat mong panatilihin. Kayat masarap mag-aaral kung isa kang matalino.
       Sa buong Pilipinas isa ako sa mga mapapalad na mag-aaral sapagkat nakahanap ako ng isang magandang Institution na kung saan wala akong tuition fee, miscellaneous fee, libreng ang uniform sa makatuwid isa iskolar. Sa buong Pilipinas nag-iisa ang La Verdad Christian College sapagkat bukod sa pagbibigay nila ng full scholarship sa lahat ng kanilang mag-aaral libre pa ang tanghalian ng bawat estudyante, bukod dito meron din ang La Verdad ng magagandang pasilidad na maaring gamitin ng bawat mag-aaral.  
        Itinatag ang La Verdad upang makatong sa mga mag-aaral na kagaya ko. Ang utak ng pagpapatayo sa institusyong ito ay sina Bro Eli Soriano at Bro Daniel Razon, na naglayon itaguyod makapagtapos sa kolehiyo ang bawat iskolar nito.
      Bilang isang iskolar nararapat lamang na panatilihing mataas ang grado, magsipag at matiyaga upang manatili sa prebilehyo ng pagiging scholar. Sa kasalukuyan nasa ikalawang taon na ako ng pagiging scholar at marami na akong naranasang hirap at kung minsan pinanghihinaan na ng loob ngunit ito nanatili pa din at matibay. Isang pasasalamat ko sa Panginoon sapagkat isa ako sa nakapasok sa napakagandang Institusion gaya ng LA Verdad.
  

                                                                                                            FEATURE STORY

IKATLONG ARAW NG UNTV CUP MATAGUMPAY NA NAIDAOS

        Ikatlong araw ng UNTV Cup idinaos sa Ynares Arena ika-15 ng Agosto. Ito ay nilahukan ng mga lingkod ng bayanat ilang kilalang celebrities sa nangunguna ni Kuya Daniel Razon. Ang programa ay naglalayon na makatulong sa mga nangangailanagan at makahikayat na gumawa ng mabuti sa kapwa.
            Unang sumabak sa laban ang kupunan ng PhilHealth at kupunan ng Congress LGU. Ang ilan sa kasama ng PhilHealth ay kilalang celebrities, gaya na lamang nina Kier Legaspi at Zoren Legaspe na tinaguriang Legaspi Brothers. Sa kabilang kupunan naman kabilang sina Francis Zamora, at ang kanilang “schoring machine” na kapwa celebrity player na si Ervic Vijandre. Nahirapang humabol ang kupunan ng Congress LGU ngunit pagdating ni Ervic, pinilit nitong humabol sa kupunan ng PhilHealth ngunit hindi na kinaya habulin. Nagwagi ang PhilHealth sa puntos na 73-98.
            Sinundan ng mainit na laban mula sa  kupunan ng DOJ o Department of Justice at kupunan ng Judiciary. Ilan sa miyembro ng DOJ ay sina Eric Fractooso at Jao Mapa na kapwa celebrity player samantala sa kabilang kupunan kabilang si John Hall na guest celebrity player. Nagging mainit ang laban ngunit sa malaking diperensya ng puntos ay hindi na nakahabol ang kupunan ng DOJ na nagging dahilan ng pagkapanalo ng Judiciary: 60-130.
            Isang kapanapanabik na laro ang hinihintay ng manonood mula sa Philippine National Police (PNP) at Air Force of the Philippines (AFP). Pawing mahusay ang dalawang kupunan at naging mainit angf laban. Napuno ng hiyawan ang buong Arena sa paglalaro ng dalawa. Higit na matindi ang nagging laban ng dalawang kupunan kumpara sa laban ng dalawang nauna pagkat sa kanilang nagging laban ang AFP at PNP ang higit na dikit ang laban. Nagtapos ang laban sa puntos na 69-72 at itinanghal na panalo ang kupunan ng PNP.
            Naging matagumpay ang ikatlong araw ng UNTV Cup, masayang umuwi ang bawat kupunan bagamat talo hindi maipipinta sa mukha ng mga manlalaro ang kanilang pagiging masaya. Ang bawat kupunan ay nagpapakahirap manalo para sa kanilang napiuling Charity Institution.

FACT STORY  

JANET LIM NAPOLES : PORK BARREL SCAM


Photo of Philippine National Police (PNP)

     Isa sa usap usapang at kinaiinisan ng taong bayan sa ngayon ay si Janet Lim Napoles hinggil sa multi-billion poek barrel scam mula sa Priority Development Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng sampung bilyong piso. Si Napoles umano ang utak ng nasabing multi-billion scam na kung saan sangkot ang ilang Non-Government Organization (NGO) at ilang mambabatas na nagkakahalaga ng sampung milyon at siyam na raang libong piso mula sa Malampaya Fund na sangkot naman ang ilang mayor at congressmen.  
     Ang pork barrel scam ay siniwalat ni Benhur Luy na kung saan sangkot ang limang senador at dalawamput tatlong congressmen sa pagpopondo sa mga kahinahinalang proyekto mula sa kani kanilang Priority Development Fund o PDAF. Ika-16 ng Hulyo nag-utos si Ombudsman Conchita Carpio Morales na bumuo ng panel para magimbestiga sa mga pondong kahinahinala mula sa PDAF. Ika-14 ng Agosto ang hukuman ng Makati ay naglabas ng pahintulot na arestohin si Janet Lim Napoles at kanyang kapatid na si Renaldo “Jojo” Lim hinggil sa pork barrel scam na siniwalat ni Benhur Luy. Ang Department of Justice ay nakahanap ng ebidensya uopang huliin si Napoles at ang kanyang kapatid sa salang illegal detention.

     Dahil sa bilyong bilyong halaga ang nawawa sa kaban  ng bayan nagtipon ang libo libo nating kababayan saan mang panig ng bansa at maging ilan sa mga Filipino community sa karatig bansa. Ang nasabing protesta ay nabuo sa pamamagitan ng social media site na Facebook. Pinangunahan ito nina Arnold Pedrigal, Peachy Brenata at Bernardo Bernardo na gumawa ng Facebook event upang  tipunin ang mga netizel na gustong alisin o buwagin ang pork barrel na gaganapin sa Luneta (Rizal Park), Agosto 26. Tatlong araw bago ang nasabing pagtitipon pinahayag ng Pangulo na bubuwagin ang pork barrel o PDAF ngunit sa parehong pahayag nilinaw ng Pangulo na hindi bubuwagin ang pork barrek ngunit magkakaroon ng reporma. Ang nasabing protesta ay walang organizer ngunit  matagumpay na ginanap at dinaluan ng napakaraming Pilipino.

     Matapos ang dalawang linggong pagtatago at pagtakas ni Janet Lim Napoles sa batas tuluyan na itong sumuko sa Pangulo, Agusto 28 alas nuwebe trentay siyete ng gabi. Tuluyan din sumuko ang kapatid nitong si Reynal Lim ayon kay Kapunan sa kanyang panayam sa dzMM.
     Mula sa MalacaƱan, pinagunahan ni Presidente Aquino ang convoy na maghahatid kay Napoles patungong Camp Crame   katulong ang tauhan ng pulisya ng Quezon City. Si Napoles ay ipinagkatiwala ng Pangulo kay DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas at kay PNP Director-General Alan Purisima. Ang kininilalang utak sa ilalim ng multi-billion scam ay kinulong sa Camp Crame , kung saan siya at ang kanyang asawang si former Marine Major Jimmy Lim ay nanatili magdamag. Huwebes ng gabi si Napoles ay nilipat sa Makati City Jail, na kung saan sinamahan sya ng kanyang asawa.
Marami sa ating mga kababayan ang naghihinalang binibigyan umano si Napoles ng VIP treatment, ngunit nilinaw ng Pangulo na hindi nila ito binibigyan ng VIP treatment bagkus siya ay pinoprotektahan mula sa mga nagtatangkang pumatay. Sa kasalukuyan si Napoles ay nasa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna mula sa pahayag ni DILG Secretary Mar Roxas ngunit tinangging sabihin kung bakit.


FEATURE STORY